Tula: Nasan na Tayo? (On the anniversary of our engagement)

Nasan nga ba tayo?
Nasa isang kawalan na hindi alam ang patungo?
Nasan nga ba tayo?
Lugar? Oras? Panahon?
Nasan nga ba?

Dati’y tingin ko alam ko na.
Dati’y tingin ng mga tao’y siya na
Dati’y papunta na dapat sa isang lugar kung saan lahat ng pangarap ay oras ang basehan at kung saan lahat ng oras ay may kasama na
Dati yon

Hindi pa pala

Lahat pala ng oras ay bumabalik sa mga panahong Ikaw ang kasama
Lahat pala ng oras na aking tatahakin
Ay ka dikit ng oras na iyong ginugol
Oras ko oras mo
Panahon ko panahon mo
Iyon pala ay iisa

Nasan nga ba tayo?
Saan ba tayo papunta?
Dasal ako ng dasal
Ikaw pala na kaytagal
Kaytagal nang kilala
Kaytagal nang kaibigan
Ikaw pala at ako ay magiging isa

Nasan nga ba tayo?
Saan ba tayo pupunta?
Oras mo oras ko
Panahon mo panahon ko
Ngayon ako’y sigurado
Pagkat ang ating pupuntahan
Ay isang lugar
Isang panahon
Isang oras
Isang buhay
Isang bahay
Isang pagibig
Isang pamilya
Isang kinabukasan

Ating simulan
Ating tahakin
Ako’y iyo
At ikaw ay akin

Ako’y iyong pakasalan
At totoo na habang buhay
Ang ating kinabukasan
Ay haharapin ng sabay

 

Advertisements

Life Thoughts (Sermon Series): Church Membership

Happy new year parin! Have you already set your goals for the year? As a church, I think na napaka importante for us to have set vision for this year. And last week, we heard that. Pero sa atin, as members and attenders of this church, we know that it is not an accident that you are here. Alam ko po may ilan sa atin ang nadaanan na ito years ago, pero alam ko din na madami sa atin ang ngayon lang dadaanan ito.

 

CLASS is Christian Life and Service Seminar. And we will be learning about the foundations of our faith. Which I think is very important for us to start the year. So this morning we will start with CLASS 101 – discovering church membership. At dito we tackle some questions na maaaring minsan ay natanong mo sa sarili mo:

  • Why am I here?
    • Sabi ko kanina na hindi aksident na nandito ka. You might be led by someone to go to church, pero I am sure that you were led by God. Bakit ba ako nabubuhay? Para sa iba, bakit ba ako nabubuhay pa rin?
  • What does it mean to be a christian?
    • After kong ma-save, after kong mag-pray with my whole heart to accept Christ as my saviour, what’s next? Anong ibig sabihin non? Babalik ba ako sa dati? Para ba akong pumasok lang sa isang restaurant, kumain, nabusog, umalis at magugutom ulit?
  • What is the purpose of the church?
    • Bakit ba may simbahan? At bakit every week ang meeting? Hindi ba pwedeng once a month? Bakit kami nagkakatahan? Bakit kailangan makinig sa mensahe?
  • What are church ordinances?
    • Especially baptism and communion. Bakit importante ang mga ito? Bakit after ko ma-save kailangan ko ma-baptize? Bakit kami nagcocommunion every first Sunday of the month?

 

Now, lahat po itong mga tanong na ito refers to the foundation of our faith as individuals. Especially kung ikaw ngayong umaga ay bagong Kristyano, at medyo malabo pa rin sayo kung bakit andito ka, ang ating paguusapan ay tatlong bagay lamang na very basic to our faith

  • Creation
    • Bakit ako ginawa? Bakit ako nandito? Pwede bang mawala nalang sa mundo? At alam natin that our difficulties here on earth are because of sin. Which leads us to>>>
  • Salvation
    • Pano tayo naligtas? Sino ang nagligtas? Bakit kailangan tayong iligtas?
  • Church
    • Why is there a pastor? Why are there leaders in the church? Why is there a church? And bakit tayo nagbabaptize, at nagcocommunion, at nagkakantahan sa church? Why do we do these activities?

 

At makikita natin ngayong umaga that the most important event in our life is our salvation. We were saved because there is sin in us, we needed to be saved. This should lead us to gather with fellow believers as we continue to remember the life of Christ. And thus, we go back to discovering our church membership. You cannot become a functioning member of a church kung hindi mo naiintindihan kung bakit ininstitute ng Panginoon ito. And it all goes back to the gospel of Jesus Christ.

 

So why did God create man? Why did God create me?

 

  1. God made me to love me.
    1. Ang Diyos ay napaka-makapangyarihan at napaka-dakila na siya ay hindi mawawalan ng pagmamahal. God’s love is unlimited and everlasting because He is the absolute source of love. And in God’s loving nature, ginawa niya si Adan in His own image. Why? Because He wanted to have this special relationship with man. Sa ating daily devotion, nakita natin that God had this love and affection for Noah, lalo na sa covenant niya kay Noah. He also had love and affection to Abraham, most especially sa covenant niya kay Noah which lasts to this day. God’s love is everlasting. At ilang beses niya sinabi ito, just like in Jeremiah 31:3>>>>
    2. And in his love, ang kanyang mga anak at may relasyon na sa kanya ay pinili niya bago pa man mabuo ang mundo. Eph 1:4-5>>>>
    3. And originally, ang tao ay mayroong perfect na relationship sa Panginoon. At today, kung meron ka nang relasyon sa Panginoon, you are chosen before the world ever began.
  2. God made me to have a relationship with Him.
    1. We are created to ENJOY a personal relationship with God and to manage all of the rest of God’s creation! At tayo lang ang may ganitong task in all creation. Gen 1:27-28>>> just from that passage, makikita natin na maliban sa relasyon ng Diyos sa tao, tayo rin ay under the authority ng Panginoon, maliban pa doon, meron ding binigay na task ang Diyos to take care of the earth.
  3. God made me so I can be purposeful
    1. Hindi lang tayo ginawa ng Diyos para mahalin niya at para magka-relationship sa Kanya pero ginawa din tayo ng Diyos para maging functioning person for His kingdom. And original na design ni Adam is to have dominion over the earth kagaya ng nabasa natin kanina. So ang isang tao, merong general na purpose which is to glorify God because we are under His authority at meron ding specific purpose na ikaw lang ang makakagawa sa buong mundo.
    2. Eph 2:10
    3. Col 1:16
      1. At babalik pa rin lahat sa Diyos. We were created for Him. Kahit yung purpose natin sa mundo is for the kingdom of God. At sa isang perpektong mundo, if we discover our purpose, kagaya ng sabi ng Diyos kay adan at eba, everything will be perfect. Pero may problema::: Man has a natural desire to be boss and to ignore God’s purpose for living.

 

This is called: SIN

 

In the beginning, ang Diyos already instilled His purposes in man. At alam natin na ang tunay na kasiyahan sa buhay ay mahahanap natin kapag ginawa natin ang layunin ng Diyos sa ating buhay. Pero bilang tao na may kasalanan, patuloy nating tinatanggihan itong purpose na ito at patuloy na hinahanap pa rin natin ito sa ibang bagay at ibang tao. Kaya si Paul nagpatotoo sa Rom. 1:20-24

 

And because of sin, yung dating perfect na relasyon ng Diyos sa tao ay nasira. At dahil nasira yung relasyon ng tao sa Diyos, natakot ang tao sa Diyos at piniling mamuhay sa labas ng kanyang layunin para sa tao. At dahil namumuhay ang tao sa labas ng layunin ng Diyos, anong nangyayari? Greed. Ang iniisip ng tao ay kanyang sarili lamang. Kaya maraming sirang mga pamilya, sirang mga relasyon, paghihirap, galit, dahil maksalanan ang tao.

 

Ang kasalanan na yan ay nasa ating lahat: Ps. 14:1-3

 

At dahil sa kasalanan walang makakalapit sa Diyos na banal: Rom 3:23

 

And that is when God gave the solution through salvation in Jesus christ. John 14:6>>>

 

Jesus has already taken care of your sin problem! Rom.6:23>>>>

 

God did this for us because He loves us and wants us to know Him. Rom.5:8; 1Tim.2:5>>> at kaya hindi po tayo magsasawa sa kakapuri at kakapreach tungkol kay Hesu Kristo dahil mahal niya tayo kahit may kasalanan pa tayo sa ating buhay, at siya mismo ang gumawa ng paraan para mapalapit tayo sa Ama. Kaya ang ibig sabihin niyan ay kahit anong gawin nating pagdadasal, pagsisimba, kahit gaano ka-perfect ang daily devotion natin, hindi yon ang dahilan ng ating pagpunta sa langit, kundi ang ginawa lamang ni Kristo para sayo at para sa akin.

 

God has already done His part to restore our relationship to Him. He took the initiative. Now He

waits for each of us to individually accept what He has done for us. Babalik pa rin yan sa ating makasalanang pagkatao. Dahil gusto natin na tayo ang ang gagawa ng paraan at tayo ang magiging dahilan ng ating pagpunta sa langit. Pero, hindi. Ito ay tanging kay Hesus lamang.

 

Sabi ni Charles Spurgeon:

The greatest enemy to human souls is the self-righteous spirit which makes men look to themselves for salvation.

 

At totoo yan. Lahat tayo bago dumating sa simbahang ito, naghahanap ng kasiyahan sa ibang bagay–sa ari-arian, sa drugs, sa pera at pagpapayaman, at sa iba pang materyal na bagay. Ngunit sabi sa Bibliya na ang daan patungo sa Diyos, na may alam ng ating pangunahing layunin sa mundo ay kay Hesu Kristo lamang.

 

What does God want me to do?

  1. Recognize my sin
    1. We cannot be saved if we don’t know that we need to be saved. Paano natin matatanggap na niligtas tayo ng Diyos kung unang una palang ay hindi mo na inaamin sa sarili mo na kailangan mong maligtas mula sa kasalanan mo? We need to recognize that we are sinners. And according to the bible, we need to recognize that because of our sin, we will spend eternity away from God in hell when we die.
  2. Believe in Christ’s saving power
    1. After recognizing our need to be saved, we need to recognize that Jesus Christ has already made salvation available for those who believe. In other words, kailangan tanggapin natin ni si Jesus ay namatay  at nabuhay na para sa iyo, e ikaw naman dapat ang nagbayad ng kasalanan mo. And the bible says that we cannot earn our salvation. Ang kaligtasan ay dahil lamang kay Hesu Kristo. Eph 2:8-9>>> kaibigan, naka ngayong umaga nangunugsap sayo ang Panginoon. At sinasabi niya sa pamamagitan ng mensahe ngayong umaga, na may kasalanan ka. At marahil, lahat ng pangit at masakit na bagay na pinagdadaanan mo ngayon ay dahil sa kasalanan ng tao. Lahat tayo dito ay makasalanan, at tanging si Hesus lamang ang makakapag-ligtas sa iyo mula sa kasalanan. Tapos na. Tapos na ang ating kaligtasan noong namatay si Hesus sa krus ng kalbaryo at muling nabuhay matapos ng tatlong araw. Siya lamang ang makakapagligtas sayo. Kaya kung nandito ka ngayong umaga, at nangusap sa iyo ang Panginoon, maaari kang magtiwala sa kanya bilang iyong tagapagligtas. PRAY>>>>>>

 

Kung ikaw ngayon ay nag-pray bilang iyong pagtiwala sa Diyos, you are now part of God’s family. At mga kapatid, this is the foundation of the christian church–it is the gospel of Jesus Christ. After being saved, you cannot fight life alone. Pag nagsshare tayo ng gospel sa mga tao, pinapasaok natin sila sa isang spiritual battle, dahil nirecognize mo na makasalanan ka. So ibig sabihin, nung naniwala ka ni si Hesus ang magliligtas sayo mula sa kasalanan, meron ka ding pag-nanais na talikuran ito. At sa totoo lang, hindi mo kayang gawin yun mag isa. Isa lamang yan sa importance ng pagkakaroon ng isang simbahan. Kaya very important na parte ka ng isang small group. Importante na every Sunday nandito ka. Alam ko may iba sa atin, never complete ang Sunday kung hindi makakapunta ng church.

 

But why is there a church?

 

It is because of 2 things: The great commandment, and the great commission

 

The great commandment – Mt. 22:36 – 40

The great commission – mt 28:19 – 20

 

These 2 passages teach us to love God, and love others. The church is God’s embassy here on earth. Kung gusto natin ipalaganap ang pangalan ng Panginoon sa mundo, that is through the church. If we want to connect with other believers, that is through the church. If we want to know more about God, that is through the church. At ang church ay hindi itong building na ito kung nasan tayo, kundi tayong mga tao na nag-aattend ng church. Sabi ni Bill Hybels:

 

Church is what you do. Church is who you are. Church is the human outworking of the person of Jesus Christ. Let’s not go to Church, let’s be the Church.

Bill Hybels

 

At ito ang pinaka-thrust ng ating message today, why should you be a member of a local church. Kung naiitindihan na natin ang foundation ng ating faith at ng ating church which is Jesus Christ, it is up to us to do the great commandment and the great commission through the church.

 

The Church Exists:

  1. To celebrate God’s presence (worship)

That’s why we sing praises to God. That’s why there’s music which in the Bible was used to gather people as well. That’s why we give our tithes and offerings. That’s why prayer is always a part of our Sunday program. We celebrate His presence in our lives, at sa isang corporate setting like this morning, we celebrate His presence in this church.

  1. To incorporate God’s people into God’s family (fellowship)
    1. Kaya nag-iinvite tayo ng mga tao to go to church. Kaya importante din na after natin mashare-an ng gospel ang isang tao, na may church siyang pupuntahan, dito man o sa ibang church.
  2. To educate God’s people (discipleship)
    1. Kaya meron tayo nito ngayon. Para sa ibang hindi mananampalataya, this looks like a lecture sa isang class. But true enough, it is a lecture on how God wants us to live. We need to learn how God wants us to live. Kaya may mga inaatendan tayong mga seminar at workshop to further educate us on the Bible. So in turn, these people will be the ones to carry out God’s word in the world.
  3. To demonstrate God’s love (ministry)
    1. Another primary thrust of the church is showing God’s heart here on earth through ministry. 1jn 3:16-17
    2. Ginagawa natin ito through our medical mission, our visitation, sa ating mga cell group we pray for each other. The church is God’s heart here on earth. Kaya part of being in the church is showing compassion to people. You cannot love God, if you don’t love other people. That is part of the mandate of the church.
  4. To communicate God’s Word (evangelism)
    1. We evangelize to the world through the church. Every 2 months we have a mission Sunday headed by the SPIN. Kung ang Diyos came to seek and save the lost, what is the church for? What are we doing as a church? We need to continue what Christ has started. Rom 10:13 – 14>>>

 

This is our church. This is the body of Christ. This is God’s heart here on earth. And the church also reminds us of the foundation of what we believe in. Lagi pag nag chuchurch tayo, we are reminded of what Christ has done. That’s why the church is instructed to do 2 things: to baptize, and to partake of the Lord’s supper.

 

Baptism is one’s public proclamation that he is now a disciple of Christ. Kung natatandaan niyo kanina yung dalawang reasons kung bakit may church — the great commandment and the great commission– the church is mandated to make disciples and BAPTIZE. That’s in Matt 28:19. so baptism is one of the main ordinances of the church.

 

Pano ginagawa yan? Nilulubog sa tubig. Kanino ginagawa yan? Sa isang taong malinaw nang naniwala na niligtas siya ng Diyos mula sa kasalanan. This illustrates Christ’s burial and resurrection. I-emphasize natin na hindi ito ang paraan ng pagligtas ng Diyos, pero isang ordinansa ng simbahan para maihatid sa lahat ang balita na ikaw ay naniniwala na sa Diyos bilang iyong tagapagligtas. It is a public mark na ikaw ay is nang Kristyano.

 

The Lord’s supper o tinatawag nating communion every first Sunday ng buwan. It is a reminder of Christ’s death and resurrection as we drink of the wine(grape juice) and the bread. It is a symbol and a statement from us, the church, that we want to have fellowship with Christ as we recognize his death and resurrection. Sino ang magpapartake nito? Anyone who is already a believer. Again, kagaya ng baptism, this is an ordinance of the church to remind us of the foundation of our faith and the church – Christ’s death and resurrection.

 

And more than anything, nandito tayo sa church para patuloy nating maalala at matutunan pa kung ano ang ginawa sa atin ni Hesu Kristo. Kaya ngayong umaga, gusto kong ichallenge kayong lahat. Saan ba ako mag chuchurch? San ba ako papamember? San ba ako magbebelong? Mga kapatid, belong to a church that preaches Christ. He is the foundation of the church and our faith. Kapag solid ka at ang isang church sa Panginoon, it will never be shaken.

 

Let me end with this quote from bill hybels:

 

Nothing on earth has greater potential to change lives and carry out His kingdom work in your community, than your local church.

Bill Hybels

 

So mga kapatid, be part of the church!