Tula: Nasan na Tayo? (On the anniversary of our engagement)

Nasan nga ba tayo?
Nasa isang kawalan na hindi alam ang patungo?
Nasan nga ba tayo?
Lugar? Oras? Panahon?
Nasan nga ba?

Dati’y tingin ko alam ko na.
Dati’y tingin ng mga tao’y siya na
Dati’y papunta na dapat sa isang lugar kung saan lahat ng pangarap ay oras ang basehan at kung saan lahat ng oras ay may kasama na
Dati yon

Hindi pa pala

Lahat pala ng oras ay bumabalik sa mga panahong Ikaw ang kasama
Lahat pala ng oras na aking tatahakin
Ay ka dikit ng oras na iyong ginugol
Oras ko oras mo
Panahon ko panahon mo
Iyon pala ay iisa

Nasan nga ba tayo?
Saan ba tayo papunta?
Dasal ako ng dasal
Ikaw pala na kaytagal
Kaytagal nang kilala
Kaytagal nang kaibigan
Ikaw pala at ako ay magiging isa

Nasan nga ba tayo?
Saan ba tayo pupunta?
Oras mo oras ko
Panahon mo panahon ko
Ngayon ako’y sigurado
Pagkat ang ating pupuntahan
Ay isang lugar
Isang panahon
Isang oras
Isang buhay
Isang bahay
Isang pagibig
Isang pamilya
Isang kinabukasan

Ating simulan
Ating tahakin
Ako’y iyo
At ikaw ay akin

Ako’y iyong pakasalan
At totoo na habang buhay
Ang ating kinabukasan
Ay haharapin ng sabay

 

Advertisements

Author: ajvillanueva

composer of contemporary music. passionate church musician. avid foodie. Jesus follower

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s