My Wedding Vow

Because we are celebrating a month of marriage even though I’m on the other side of the world.

60544235_10219104389989660_6421445616164929536_o.jpg

Magkaiba ang ating mundo

Sa akin tono

Sayo numero

Ako nasa Valenzuela, Taft, at qc

Ikaw nasa Makati

Ako laging kumukumpas

Ikaw concern mo ang tax

Ako wild mag imagine

Ikaw realistic palagi

Pero may isa tayong strong denominator

Ang ating paniniwala sa Panginoon

At yung ang naging sentro

Ng ating pag ibig

Ng ating kwentuhan

Ng ating tawanan

Ng ating weekend

Ng ating passion

At ng ating buhay

At nandito na tayo

May sarili tayong mga lakbay

May sarili tayong mga buhay

May iba tayong hilig

May iba tayong mga minahal

Pero binigay tayo ng Diyos sa isa’t isa

Hindi lang dahil tayo’y bagay

Pero dahil tanggap natin ang isa’t isa

Lahat ng pagkakamali

Lahat ng nakaraan

Lahat ng kabiguan

Tanggap natin

Pero kahit ganon

Hindi naman talaga natin kailangan ang isa’t isa

Pero nung minahal natin ang isa’t isa

May mas higit pa pala sa buhay nang mag isa

Hindi naman talaga natin kinumpleto ang isa’t isa

Pero nung nagmahalan tayo nalaman natin na kulang pala nung tayo’y mag isa

Kaya mahal kita

Dahil mas naintindihan ko na ang pagmamahal pala ay di lang para sa akin at sa musika ko kundi para din sa isang tao gaya mo na Lubos na naiintindihan kung ano ako.

Mahal kita

At pinapangako ko na sa hirap at ginhawa pipiliin kong mahalin kita

Sa yaman at hirap pipiliin kong mahalin ka

Kahit hindi mo maintindihan musika ko

Pipiliin kong mahalin ka (tapos ipapaliwanag ko sayo)

At hanggang mawala na ako sa mundo

Mamahalin kita

At hindi ko hahayaan na matapos ang araw na ito nang hindi nalalaman ng lahat kung gaano kalalim ang pag magmahal ko sayo.

Fayola, love, ito ang sumpa ko sayo. Kasama mo ko habang buhay.

Nandito na tayo.

Advertisements