Tula Para Sa Aking Bayan

Sa aking pag-alala kay Jose Rizal:

 

Sa bawat araw na sinisikatan ka ng araw

Sa bawat oras na mga bulaklak mo’y humahalimuyak

Tila hindi napapansin

Tila binabaliwala

Tila ba’y hinahayaan

Tila ba’y binibigay na lamang

Ang kaluluwa ng inang bayan

Ang kaisipan, katauhan, at kalahatan

Bakit binibigay na lamang

Bakit hinahayaan na lamang

Na iilang tao ang makinabang

Bakit binibigay na lamang

Bakit hinahayaan na lamang

Na mabulag sa katotohanan

Na ang ating inang bayan

Ay patuloy na nasisidlak

Ay patuloy na inaalipin

At ikaw

At ikaw na nakakarinig ng aking tinig

Ay nabibingi

Ay nabubulag

Dahil saan?

Para saan?

Sa sarili mong kapakanan?

Sa sarili mong kakaunting kalayaan?

Ni hindi mo ba naisip

Na ang kaluluwa mo

At kaluluwa ng inang bayan ay iisa?

Na ang halimuyak mo

At ang halimuyak ng kanyang bulaklak ay iisa?

Dahil ikaw at ako

Tayo

Ay nanggaling sa isang sinapupunan

Ikaw, ako

Tayo

Ay iisang dugo

Ikaw, ako

Tayo

Ay iisang lahi

Tayo ay Pilipino

Ito ang ating inang bayan

Nasan ang iyong pagibig?

Nasan ang iyong pagpapahalaga?

Inaalipin na pero hinahayaan mo pa

Tila hindi napapansin

Tila binabaliwala

Tila ba’y hinahayaan

Tila ba’y binibigay na lamang

Ang kaluluwa ng inang bayan ay syang iyo din

Ang kaisipan, katauhan, at kalahatan ay siyang iyo din

Sa bawat araw na sinisikatan siya ng araw

Sa bawat oras na mga bulaklak niya’y humahalimuyak

Ay bawat oras na sinisikatan ka din ng araw

At bawat oras ng iyo ding pag halimuyak

Nasaan ka Pilipino?

Andito ang iyong Pilipinas!

Nasaan ka Pilipino?

Tumingin ka!

Makinig ka!

Heto na ang iyong Pilipinas!

Advertisements